Wednesday, March 11, 2009

Ito ang Marketing!

Man, it's hotter than hell here in Manila nowadays. Kakagigil yung init. Sobra. Dehins makatao. Kaninang hapon, namasyal ako kasi feel ko super init na sa bahay at super init na ako sa mata ng parents ko kasi nakatambay lang ako maghapon at kung di nanonood ng TV, nagbabasa ng comics o nagdodrowing. 'Sarap ng buhay!' siguro ang nisasabi nila sabay buntong hininga. Kaya para iwas pusoy, maglayag muna si Magellan.

Ayun, namasyal ako sa SM. As if meron ka pang ibang choice na puntahan. Paikot-ikot kahit kakarampot ang dalang pera kasi naiwan ko ang ATM ko sa kakamadali na makatakas. Di bale, mukha naman akong sophisticated manamit kaya di nila halata na umiikot-ikot lang ako. Umikot ako sa toy section: 'Syet walang bagong G.I.Joe o Batman action figures man lang'; Umikot ako sa mga sinehan: 'Syet, Watchmen na naman'; Umikot ako sa Department Store: 'Syet, dami swaksing chicks, baka pwede sila i date.'

Tapos, sa katagalan, dumaan na lang ako sa food section. Oorder sana ako ng lechon kawali sa Lydia's Lechon pero naalala ko medyo tumataba na ako kaya pass muna ako (ang totoo, meron kasi ngayong ebola scare ang mga baboy dito kaya ayoko muna kumain ng pork). Sa kalaunan, nagpasya na lang ako na bumili ng ice cream sa isang puchcart sa may foodcourt. Di ako masyado mahilig sa ice cream, pero kasi maganda at swaksi yung nagbebenta kaya 'yun nilapitan ko sya.

Akalain mo, yung miss na 'yun ay kasing tamis kausap ng ice cream na binibenta nya. Medyo bored lang siguro sya kasi wala masyado customer ang lumalapit sa kanya. Di kasi matao yung pwesto ng pushcart nya eh. Palibhasa, medyo may itsura sya at sweet talaga kausap medyo naakit ako sa kanya at 'kala ko gusto nya din ipa-try sa akin ang kanyang 'tropical delight', kaya napangiti ako. Nung na gets nya yung iniisip ko, natawa din sya. Sabi nya kayo talaga ser! Ako din natawa syempre. Kakahiya nga eh. Napaghahalataan ako.

Eniwei, gusto lang siguro nya talaga ng kausap kasi hanggang naubos ko yung ice cream nya eh kwentuhan lang kami eh ng mga walang katuturang bagay-bagay. Tinanong ko pangalan nya nung huli at sabi nya sya daw si Jenny. Lalo akong natawa.

Pero astig na gimik talaga ang maglagay ng magagandang chick para ibenta ang produkto. Kasi kahit 'lam mo na di mo kelangan 'yun, bibilin at bibilin mo pa rin. Perk na lang yung marunong makipagkwentuhan at makipagbiruan sa customer. Pero cool pa rin.

Woman Power Rocks!

Balik ulit ako SM bukas.

No comments:

Post a Comment