Ngayon ay Biyernes Santo.
At itong taong ito, nagpasya akong manilbihan sa simbahan sa kadahilanang na-miss ko ang paglilingkod sa Panginoon dahil sa tatlong taong ako’y nagtrabaho sa disyerto ng Gitnang Silangan.
Juggling Judas
Kahapon, Huwebes Santo, nakibahagi ako sa seremonyas ng “Paghugas ni Kristo sa Paa ng kanyang mga Alagad” bilang isa sa kanyang 12 na Disipolo. Oo nga pala, dehins me si Hudas. Pero yung gumanap na Hudas, nung nag-communion nailaglag ba naman yung ostia at nag-juggle bigla para di sumayad sa sahig. Ambangis nung eksenang ‘yun. Pati yung Lay Minister kamuntik nang damayan ako sa paghalakhak dun sa nangyari.
Lil' Pundits
Biyernes Santo. Kaming mga gumaganap na Disipolo hinila naming yung karwahe ng Sto. Entierro (The Holy Sepulcher of the Christ) para sa prusisyon kaninang hapon. Habang binabaybay namin yung mga kalsada na malapit sa amin, napadaan kami sa mga slum areas na kung saan andaming mga bata edad 9 taong gulang pababa. Narinig ko yung seryosong usapan ng 2 magbarkada:
Bata 1: Ay, si Jesus! Bakit sya nakahiga?
Bata 2: Ay, si Jesus maysakit! Wala kasi sya pambiling gamot!
Mahaba pa ang Holy Week, pero itong taon na ito super champion i-celebrate ang Semana Santa dito! Allelujah! Amen!
Friday, April 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment